Health Center at Public Safety Center, Pinapatayo sa Pugad Lawin

PIO Department

2018-8-1

Share article on:

Pinagsamang Health Center at Public Safety Center sa Pugad Lawin ang ipinapatayo ng Pamahalaang Lokal sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Marcy Teodoro.

Ang mas malaking health center na ito sa Fortune ay magbigigay rin ng serbisyo ng city health office, pulis, bombero at Rescue 161 na may kasamang ambulansya. Magkakaroon rin ito ng satellite office ng Office of Senior Citizens Affair o OSCA para mapagsilbihan ang mga lolo at lola na nakatira sa Brgy. Fortune at karatig lugar.


Ang pangangalaga ng kalusugan ng mga mamayan ng Marikina ay isa sa mga mahalagang programa ni Mayor Marcy. Sa katunayan, isa sa adhikain niya ay ang magpatayo ng mga super health centers na may sariling botika upang makapagbibigay ng kumpletong health services sa mga mamamayan.

Ang lupang pagtatayuan ng health center at public safety center sa Pugad Lawin ay pag-aari ng City Government ng Marikina.

Kaugnay nito, may itinatayo ring Public Safety Center sa Bayanbayanan Ave. sa Brgy. Concepcion Uno bago dumating sa tanggapan ng Meralco. Ang Public Safety Center ay mahalaga dahil ito ay itinatayo sa isang strategic na lugar para sa mas maagap at mas mabilis na pagresponde ng 161 ambulance, pulis at bombero sa mga kababayan nating nakatira sa Concepcion Uno, Concepcion Dos, Marikina Heights at Parang.

Share article on: