Higit Daang Libo Katao Dumalo sa Matagumpay na Year-End Concert at Fireworks Display sa Marikina

PIO Department

2020-1-2

Share article on:

Mahigit 100,000 katao ang dumalo sa Marikina City Year-End Concert and Fireworks Display noong Lunes, Disyembre 30. Halos hindi mahulugang karayom sa dami ng tao ang dumayo sa Marikina Sports Center upang sama-samang ipagdiwang ng ligtas at masaya ang bagong taon.






Layunin ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro na makaiwas sa paggamit ng anumang uri ng paputok at illegal firecrackers ang mga residente ng Marikina na pangunahing sanhi ng iba’t ibang aksidente tulad ng physical injuries at pinsala sa mga pag-aari tuwing ganitong panahon.


Sa halip ay patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod na gumamit ng mga ligtas na bagay ang mga residente upang gumawa ng ingay tulad ng pagkalembang ng mga kaldero at paggamit ng torotot.


“We here in Marikina want everyone to be safe and to have a fun-filled celebration of New Year that’s why we hold Fireworks Display and Year-End Concert. We celebrate this annually as a community and as a big happy family,” ayon kay Mayor Marcy.




Taun-taon sa Marikina ginagawa ang libreng selebrasyon para sa ligtas na pagsalubong sa bagong taon. Ito rin ay isinasagawa sa lungsod upang maipakita ang pagkakaisa ng mga Marikenyo bilang isang komunidad.


Sa katunayan, ayon kay Winnie Mariano, event manager ng Fireworks Display at Year-End Concert, nagsimula pa noong 1990s ang ganitong pagdiriwang na naging tradisyon na ng Lokal na Pamahalaan bilang handog sa mga Marikenyo.


Nilahukan ng tatlo sa mga sikat na OPM bands sa henerasyong ito ang naturang Year-End Concert, ang December Avenue, IV of Spades, at This Band. Hindi rin nagpahuli ang ilan sa mga local artists sa Marikina na nagtanghal din ng gabing iyon.









Pagkatapos ay natunghayan naman ng mga dumalo sa Year-End Concert ang 15-minutong pyro-musical display na nagpaliwanag sa kalangitan kasabay ng saliw ng masayang tugtugan.



Samantala, marami rin ang tumangkilik sa mala-banchetto food strip na itinayo sa kahabaan ng Mcdonald’s Ave. sa labas ng Marikina Sports Center.



Kapansin-pansin ang disiplinang ipinakita ng mga Marikenyo habang at pagkatapos ng pagdiriwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa lugar.





Nais ni Mayor Marcy na pagbuklurin ang bawat pamilya at mga kaibigan upang sama-samang magsaya bilang isang pamayanan. 


Nagpapasalamat si Mayor Marcy sa pagdalo at pakikipagtulungan ng bawat isa na mairaos ng ligtas at mapaya ang pagsalubong sa bagong taon. 


Ang mga litrato ay mula kay Jonathan Gulapa, Eric Krister Nicolas Songcuan II, Lilian Ikeba, Mhi Co, at Marikina PIO.

Share article on: