Ilan Pang Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment Ngayong Setyembre

PIO Department

2019-9-6

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Supplies Station Inc., Jolly Management Solutions Inc., Triple-E Manpower & General Services Inc., The Results Companies at RB Jocsing ay magdadaos ng in-house recruitment sa Lunes, Setyembre 9 hanggang sa mga susunod na linggo.

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ngayon Lunes, ika-siyam ng Setyembre, ang Supplies Station Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment na gaganapin mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Supplies Station ng stock clerk, sales clerk at human resource assistant.




Ang Jolly Management Solutions Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment na gaganapin sa tatlong magkakaibang araw simula sa ika-12 ng Setyembre at sa ika-18, at ika-25 mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Jolly Management ng production worker, accounting staff, service crew, kitchen crew/cook, promodiser, maintenance technician, janitor at plumbers.




Ang Triple-E Manpower & General Services Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment na gaganapin sa dalawang magkakaibang araw sa ika-19 at ika-30 ng Setyembre mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay product consultant, administrative assistant, data encoder, CCTV operator, kitchen designer, promodisers, counter bagger, drivers, utility worker at janitor.





Sa ika-20 ng Setyembre, ang The Results Companies ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang The Results Companies ng customer service representative at inbound sales representative.




Sa ika-26 ng Setyembre, ang RB Jocsing ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang RB Jocsing ng counter crew, service crew, cashier, dining crew, dishwasher, at food runner.




Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: