Ilang Kompanya Magdadaos ng In-house Recruitment Ngayong Linggo

PIO Department

2018-12-6

by Famela Dahonog

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, dalawang kompanya ang magdadaos ng in-house recruitment ngayong linggo sa lungsod.

Ang Dames International Corporation ay magkakaroon ng in-house recruitment ngayong araw ng Huwebes, Disyembre 6 sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa 2/F ng Public Service Center sa Brgy. Sta. Elena, malapit lang sa Marikina City Hall.

Ilan sa mga trabahong pwedeng mapasukan ay sales representative/associates, promodisers/sales clerk/utility, cashier, human resource/administrative assistants; office/ accounting/purchasing staff, marketing officer/account executive, industrial at mechanical engineers, warehouseman/delivery helper, driver, area supervisor, production helper, at electrician/welder.





Ang in-house recruitment ay gaganapin mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Magkakaroon din ng in-house recruitment ang Mirof Resources sa darating na Biyernes, Disyembre 7. Ito ay gaganapin din sa opisina ng LRPESO Marikina sa 2/F ng Public Service Center sa Brgy. Sta. Elena simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Ang Mirof Resources ay naghahanap naman ng housekeeping/utility personnel at kitchen/dining assistant.



Ang Ace Hardware Phil., Inc. ay magdadaos din ng in-house recruitment sa Biyernes ng hapon, Disyembre 7 sa tanggapan din ng LRPESO Marikina mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Naghahanap ang Ace Hardware Phil., Inc. ng cashier, sales utility clerk, sales clerk, at stock clerk.



Ang People Power Cooperative ay naghahanap din ng mga empleyado at bukas sa pagtanggap ng mga referral mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa opisina rin ng LRPESO Marikina. Ang People Power Cooperative ay naghahanap ng delivery driver, production crew at sales associate.



Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso-Marikina

Share article on: