Ilang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment Ngayong Linggo

PIO Department

2019-3-26

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ilang kumpanya ang magdadaos ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Martes, Marso 26.


Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.


Ngayong Martes, Marso 26, ang Mini Depato Corp. ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa 2/F ng Public Service Center sa Brgy. Sta. Elena, malapit lang sa Marikina City Hall.


Ilan sa mga trabahong pwedeng mapasukan ay marketing supervisor, merchandising supervisor, store manager at sales associate/cashier.




Sa Miyerkules, Marso 27, ang Monolith Construction and Development Corp. ay magdadaos ng in-house recruitment sa opisina ng  LRPESO Marikina mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang Monolith ay naghahanap ng finishing engineer, line and grade engineer, mason, tower crane technician, quality control aide at carpenter.





Sa Huwebes, Marso 28, ang Greatwall Manpower and General Services, Inc. ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ang Greatwall Manpower ay nangangailangan ng sales staff/clerk/promodiser, merchandiser, parking cashier, encoder, company driver, delivery driver, valet driver at butcher.





Sa araw din ng Huwebes, Marso 28, ang Ponderosa Leather Goods Co., Inc. ay magdadaos ng in-house recruitment sa opisina ng  LRPESO Marikina mula 1:00 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon. Ang Ponderosa ay naghahanap ng industrial engineers, office staff, factory workers, at sewer.




Sa Biyernes, Marso 29, ang SM Supermarket ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ang SM Supermarket ay nangangailangan ng customer assistant, receiving clerk, cashier/sales clerk, at bagger.




Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso-Marikina


Share article on: