JMS Staffing Solutions at Iba Pang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-2-26

Share article on:

Magandang balita para sa mga Marikenyong nais magkaroon ng trabaho.


Ang JMS Staffing Solutions Inc., Reliable Workforce & General Services Inc., at Alorica ay magdadaos ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Martes, Pebrero 26.


Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.


Ngayon Martes, Pebrero 26, ang JMS Staffing Solutions ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang JMS Staffing Solutions ng installer helper, utility helper, janitor/janitress at cleaners.


Sa Miyerkules, Pebrero 27, ang Reliable Workforce ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay accounting assistant, marketing assistant, human resources supervisor/assistant, information technology assistant, office assistant, sales promodiser/associate, beauty advisor at drivers.



Samantala, ang Alorica ay magkakaroon ng in-house recruitment simula Miyerkules, Pebrero 27 hanggang sa susunod na Biyernes, Marso 8 mula 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi sa Jollibee Blue Wave Mall sa Shoe Ave. at Jollibee Riverbanks Mall sa A. Bonifacio Ave. Naghahanap ang Alorica ng mga customer service representatives.




Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: