Kalinisan ng Marikina River Park, Masugid na Binabantayan

PIO Department

2019-1-16

Share article on:

Tinitiyak ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro na mananatiling malinis at maayos ang Marikina River. Kaya naman sa utos na rin ni Mayor Marcy ay masugid na binabantayan ng mga kawani ng Marikina River Parks Authority ang kalinisan at pagpapanatiling maaliwalas at walang mga basurang nagkalat sa Ilog ng Marikina.


Ang Ilog ng Marikina ay ang pangunahing daluyan ng tubig sa buong lungsod.



Sa pamamagitan ng bangka ng Marikina Rescue 161, ang mga tauhan ng River Parks Authority ay nakapangolekta ng mga basurang lumulutang sa ilog tulad ng mga bote, plastic, styrofoam at karton kahapon.


Patuloy na pinapaalalahanan ang mga residente sa lungsod na iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa mga creek, drainage, at iba pang daluyan ng tubig upang hindi ito magdulot ng pagbabara ng mga drainage at magresulta sa pagbabaha na siya ring makakasira ng kapaligiran. Maari ring mauwi sa Marikina River ang mga basurang itinatapon sa mga kalye, kanal, creek, drainage, at iba pa.

Share article on: