Kalusugan ng mga Marikenyo, Mahalaga kay Mayor Marcy

PIO Department

2018-7-27

Share article on:

Mahalaga ang kalusugan ng bawat Marikenyo kay Mayor Marcy Teodoro dahil bilang Ama ng Lungsod ay hindi maatim ng kaniyang puso na may makitang mga kababayang naghihirap dahil sa kapansanan.

Dahil dito, patuloy ang Lokal na Pamahalaan sa pamimigay ng Philheatlh Card at Membership Data Record (MDR) sa mga Marikenong “financially challenged” o walang sapat na perang pampagamot sa kanilang mga sakit.


Kahapon ay namigay ang City Hall sa pamumuno ni Mayor Marcy ng Philhealth Card at MDR sa mga Marikenyo sa Teatro Marikina, kung saan nagkaroon din ng libreng medical consultation tulad ng pagkuha ng blood pressure, timbang, at iba pa.



Ang Philhealh ID ay maaring magamit sa mga pampublikong ospital at sa mga Philhealth-accredited lying-in clinics para sa mga manganganak.

Kasama ni Mayor Marcy sa pamimigay ng Philhealth Card at MDR ang ibang opisyales ng Lokal na Pamahalaan tulad ni Konsehal Jojo Banzon.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkuha ang Philhealth card at MDR, magtungo lamang sa tanggapan ng City Social Welfare Development Office sa tabi ng Justice Hall (sa harap mismo ng City Hall). Magdala ng Certificate of Indigency at valid IDs para maka-avail ng benepisyong ito. Maaari ring tumawag sa City Health Office sa telepono bilang (02) 997-1108 o kaya ay (02) 942-2359.

Share article on: