Lauron Delos Reyes at Iba Pang Kumpanya Magdadaos ng In-house Recruitment sa Marikina

PIO Department

2019-2-6

Share article on:

Magandang balita para sa mga Marikenyong nais magkaroon ng trabaho.


Ang Lauron Delos Reyes & Partners, Oro Oxygen Corp., SM Supermarket at SM Appliance ay magdadaos ng in-house recruitment sa lungsod simula ngayong araw ng Miyerkules.


Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) na makipag-ugnayan sa mga kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.




Ngayong araw ng Miyerkules, Pebrero 6, ang Lauron Delos Reyes & Partners ay magkakaroon ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO sa second floor ng Public Service Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall. Nangangailangan ang Lauron Delos Reyes and Partners ng administrative staff, telecollector at field officer.


Sa araw din ng Miyerkules, Pebrero 6, ang Oro Oxygen ay magsasagawa ng in-house recruitment mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon sa opisina ng LRPESO Marikina. Naghahanap ang Oro Oxygen ng finance/accounting staff, office staff, delivery sales representatives at drivers.


Sa Huwebes, Pebrero 7, ang SM Supermarket ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa tanggapan ng LRPESO Marikina. Ilan sa mga trabahong maaaring mapasukan ay customer assistant, supplies assistant, human resource assistant, receiving clerk, at cashier/sales clerk.


Sa Biyernes, Pebrero 8, ang SM Appliance ay magdadaos ng in-house recruitment mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa opisina ng LRPESO. Nangangailangan ang SM Appliance ng inventory/administrative clerk, warehouse assistant, counter assistant at stock clerk.


Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng LRPESO sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/https://www.marikina.gov.ph/article/from-trash-to-bricks-marikina-recyles-as-part-of-waste-management-program

Share article on: