Lauron Delos Reyes & Partners May In-House Recruitment sa Marikina

PIO Department

2018-12-18

Share article on:

Ang Lauron Delos Reyes & Partners ay magkakaroon ng in-house recruitment ngayong Biyernes, Disyembre 21 mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali na gaganapin sa opisina ng Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO) sa second floor ng Public Service Center sa Brgy. Sta. Elena malapit sa City Hall.

Nangangailangan ang Lauron Delos Reyes and Partners ng full-time credit adviser/account officers at mobile client contact support/field officer.


Sa mga nais mag-apply para sa posisyon na credit adviser/account officers ay dapat nasa edad na 20 years old at pataas. Ang mga fresh graduates ay maaari ring mag-apply. Samantalang  dapat nakatapos ng kahit high school at may restriction codes na 1 at 2 sa kanilang driver’s license ang mga gustong mag-apply bilang mobile client contact support o field officer.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito:
https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: