Libreng Sakay sa Marikina, Ipinatupad

PIO Department

2020-3-18

Share article on:

Bilang pagbibigay lunas sa kasalukuyang kalagayan ng transportasyon sa lungsod at kasunod ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Metro Manila, ipinag-utos ni Mayor Marcy Teodoro ang serbisyong Libreng Sakay para sa mga taga-Marikina.


Ang libreng sakay na ito gamit ang mga pampublikong sasakyan mula sa lokal na pamahalaan ay nilaan bilang tulong sa mga Marikenyong nangangailangang lumabas ng kanilang tahanan upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan o kagamitan tulad na lamang ng pagkain at gamot para sa kanilang pamilya.


Sinimulan ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang pagkakaloob ng serbisyong Libreng Sakay sa mga sumusunod na ruta:


Route #1 BARANGKA FLYOVER Coaster

1.Bonifacio Avenue

2.Sumulong Avenue

3.Shoe Avenue

4.Freedom Park - “I Love Marikina”


Route #2 PANORAMA STATION Coaster

1.Horizon St.

2. Lilac St. – Puregold supermarket

3. Rainbow St.

4. 1st Ave.

5. 5th St.

6.Gil Fernando / Robinsons Market

7. Sumulong Highway / Amang Rodriguez Memorial Medical Center

8.Shoe Avenue / Marikina Public Market

9. Freedom Park - “I Love Marikina”


Route #3 CAMACHO HOMEOWNERS Coaster

1.Along Kabayani Road To – Access Road

Up – Tumana / Market and Puregold / Drug Store

2. J. P. Rizal St.

3.J. P. Rizal St.

4. Sumulong Highway

5.W. Paz St. / Marikina Public Market and Drug Store

6. Freedom Park - “I Love Marikina”


Route #4 SANTAN ST., / CALTEX GAS STATION Coaster

1.Fortune Avenue

2.Balagtas St.

3.BG Molina St., / NGI Market

4.A. De Guzman St. / Drug Store

5. Bayanbayanan Avenue

6. J.P. Rizal St.

7. Malaya St.

8. J.P. Rizal St.

9. W. Paz St.

10. Freedom Park - “I Love Marikina”


Route #5 OTTO OUTLET MARCOS HIGHWAY Coaster

1. Old J. P. Rizal St.

2.Senga St.

3. M. A. Roxas St.

4.N. Roxas St.

5. E. Dela Paz St.

6. W. Paz St.

7. Freedom Park - “I Love Marikina”


Route #6 TUMANA

1. Doña Petra

2. Angel Santos

3. Farmers 1

4. Ampalaya

5. Kabayani Road

6. Homeowners Drive

7. River Park route


Route #7 MARIKINA HEIGHTS

1. Pugad Lawin

2. East Drive

3. C&B Mall

4. Bayan-Bayanan Ave.

5. E. Manalo

6. Toyota Ave.


Ang byahe sa mga nasabing ruta ay magsisimula ng 6:00 hanggangg 10:00 ng umaga at 3:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.


Patuloy na pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ang karagdagang ruta para sa libreng sakay.


Inaasahan din na ang mga pribadong ospital at iba pang health establishments sa lungsod ay mabibigyan ng kanilang sarilng shuttle service para sa kani-kanilang kawani.


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang opisyal na Facebook page ng Marikina Public Information Office (PIO) https://www.facebook.com/MarikinaPIO/.

Share article on: