Libreng Sine Handog ni Mayor Marcy Para sa Mga Guro Ngayong Teacher’s Day

PIO Department

2019-12-13

Share article on:

Ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro ay may handog na libreng panonood ng sine para sa lahat ng mga guro sa Marikina ngayong araw ng Biyernes, Disyembre 13.


Ang libreng sine ay paraan ni Mayor Marcy at ng Lokal na Administrasyon upang kilalanin at parangalan ang lahat ng mga guro mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod kasama rin dito ang mga non-teaching personnel. Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Guro ngayon Disyembre 13.




Binibigyang pugay sa lungsod ang bawat guro dahil sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa paghubog ng kaisipan at pagtuturo ng magandang asal sa mga kabataan upang maging mabuting mamamayan. Sila rin ay kinikilala sa kanilang ambag sa pag-unlad ng Marikina.


Malaki ang pasasalamat ni Mayor Marcy sa hindi matatawarang kasipagan at sakripisyo ng mga guro na tumatayong pangalawang magulang na may responsibilidad din na bigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan na kumakatawan bilang susunod na henerasyon sa Marikina. 


Lahat ng mga guro na nasa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon sa Marikina ay maaaring makakuha ng libreng movie ticket sa SM City Marikina ngayong araw, Disyembre 13. Ipakita lamang ang inyong identification card (ID) or certification mula sa principal kung ikaw ay bagong guro sa ticket booth malapit sa Cinema 4.


Ang mga pelikulang maaaring mapanood ng libre ay “Unbreakable” at “Frozen 2”. Para sa iba pang pelikulang puwedeng mapanood ng libre, manyaring itanong lamang sa mga cinema staff na naroon.


Ang libreng pelikula sa mga sinehan sa tuwing Araw ng mga Guro sa Marikina ay naaprubahan at ipinasa ng Konseho ng Lungsod noong Hunyo 8, 2016 sa ilalaim ng City Ordinance No. 034 series 2016.

Share article on: