Lisensiya at Na-impound na Sasakyan Pwede ng Matubos Kahit Sabado at Linggo

PIO Department

2019-1-24

Share article on:

Simula sa Enero 19, 2019, maaari ng makuha ng mga mamamayan ang kanilang mga lisensiya at na-impound na sasakyan mula sa Office Public Safety and Security-Transportation Systems and Regulations Unit (OPSS-TSRU).

Dahil mula sa araw na ito, bukas na mula araw-araw, Lunes hanggang Linggo, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang tanggapan ng OPSS-TSRU na matatagpuan sa ground floor ng Agora Complex sa Brgy. Sto. Niño sa Lungsod ng Marikina. Ginawa ito  upang mapagsilbihan ang ating mga kababayan na tutubos ng lisensiya o sasakyan.

"Hangad ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Marcy R. Teodoro na makapagbigay ng ginhawa sa mga kakababayan nating walang oras sa weekdays o ordinaryong araw upang tubusin ang kanilang lisensya o na-impound na sasakyan," ayon sa Facebook post ng Public Information Office (PIO) ng Marikina.

Share article on: