Maaring Magparada ng Sasakyan sa City Hall Parking Ngayong May Bagyo

PIO Department

2018-9-14

Share article on:

Upang masigurong ligtas ang ating mga sasakyan sa pagragasa ng bagyong si Ompong sa buong Luzon, ipinababatid ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Marikina na maaring gamiting alternatibong paradahan ang City Hall central parking, Loyola Cemetery, Liwasang Kalayaan sa Brgy. Marikina Heights at ang playground sa Brgy. Parang.

Ang mga nasabing paradahan ay nasa mataas na lugar at mas maliit ang tsansang aabutin ang mga ito ng pagbaha.








Batid ng Pamahalaang Lungsod ang pag-aalala ng mga mamamayan at nais naming maging panatag kayong lahat.

Samantala, nag-meeting kahapon ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod at ang Department of Education-Marikina upang lalo pang mapaghandaan ang bagyong si Ompong. Kabilang sa mga tinalakay ay ang paghahanda ng mga evacuation centers, lalo na ang gagamiting mga paaralan, at ang lagay ng panahon sa susunod na mga araw.






 

For the latest updates about typhoon Ompong, the water level at the Marikina River and announcements from the City Government, please check the Facebook pages of the Marikina City Rescue 161 and the Public Information Office (PIO) of Marikina:

 

https://www.facebook.com/MarikinaRescue161/

https://www.facebook.com/MarikinaPIO/

 

For any emergency, please call or text Marikina City Rescue 161:




Share article on: