Maayos at Ligtas na Kapaligiran, Alay ni Mayor Marcy sa mga Mamamayan

PIO Department

2018-12-28

Share article on:

Isang maayos at ligtas na kapaligiran, lalung-lalo na sa mga kabataan, ang handog ni Mayor Marcy Teodoro para sa mga mamamayan ng Marikina.

Patunay rito ay ang mga proyekto ng Lokal na Pamahalaan na naglalayong bigyan ng maginhawang pamumuhay ang mga Marikenyo tulad ng pagpapaayos, pagpapaluwag at pagpapagawa ng mga kalye, mga parke tulad ng Freedom Park, mga gusali tulad ng Kapitan Moy at Marikina Sports Center, at marami pang iba.

“Ginagawa ko ito para sa ating mga anak. Dahil ako, bilang isang magulang sa akign mga anak, ay ring Ama ng Lungsod ng Marikina,” ayon kay Mayor Marcy na may dalawang anak. “Alam ko ang nararamdaman nating mga magulang. Ayaw nating napapahamak ang ating mga anak, kung kaya’t tinitiyak kong maayos, ligtas, at panatag lahat ng lugar dito sa Marikina upang ang ating mga anak ay lumaki ng tama at wasto sa isang malinis at maaliwalas na kapaligiran.”



Ngayong buwan ng Disyembre ay binuksan na ang Palay Creek Linear Park sa Brgy.  Tumana upang mabigyan ng ligtas at maayos na pasyalan ng mga nakatira roon.


Mahigpit ding ipinagbilin ni Mayor Marcy sa kapulisan ng Marikina na maging mas alerto at maging visible sa mga komunidad para maiwasan ang mga krimen lalo na ngayong kapaskuhan.

Share article on: