Mahigit 4,000 Kabahayan Nakabitan ng Ilaw sa Ilalim Programa ni Mayor Marcy

PIO Department

2019-1-14

Share article on:

Mula ng inumpisahan ni Mayor Marcy Teodoro ang Marikina Community Electrification Project (MCEP) na naglalayong makabitan ng ilaw ang bawat bahay sa lungsod, mahigit 4,000 kabahayan na sa Marikina ang nakabitan ng linya ng kuryente ng Meralco.

Ayon sa pinakahuling talaan ng Marikina Community Electrification Office (MCEO) may 4,315 ng kabahayan ang nakabitan ng kuryente mula nang inumpisahan ang proyektong ito noong Marso 2017 hanggang Enero 7, 2019.  Ang proyektong ito ay pinamamahalaan ng MCEO sa ilalim ng pamumuno ni Boy Orcilla.

Ang proyektong ito ay itinaguyod ni Mayor Marcy Teodoro dahil maraming mga Marikenyo ang hindi pa nakakabitan ng kuryente dahil sa iba’t ibang mga problema. Naayos ang problemang ito nang magkaroon ng Memorandum of Agreement ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina at ang Meralco.

Nagdesisyon si Mayor Marcy na magkaroon ng ganitong programa dahil maraming Marikenyo ang nag-aapply ng electrical permits sa Meralco pero hindi sila agarang naaksyonan dahil na rin sa dami nila. Noong Nobyembre 2017, isinama na rin ang building permits sa programa para isang bigayan at seminar na lang.

Si Mayor Marcy mismo ang namimigay ng mga electrical permits at pati na rin ng building permits sa mga residente. Bago sila pagkalooban ng  mga ito, sila ay kailangang sumailalim sa seminar upang malaman ang mga dapat at hindi dapat gawin para sa kaayosan ng kani-kanilang komunidad. Ang seminar at pamimigay ng mga permits ay ginagawa tuwing Lunes sa City Hall.

Sa naturang seminar, binigyan sila ng fire safety tips ng Bureau of Fire Protection. Ang Meralco naman ay binibigyan sila ng tips kung paano ang tamang paraan ng pagkabit ng kuryente at mga paraan upang makatipid. Samantalang ang Marikina Settlement Office naman ay binibigyan sila ng mga kaalaman tungkol sa pagpapaganda ng paligid, tamang pagtapon ng basura at siguruhing ang mga puno at halaman ay hindi nakakasagabal sa mga kawad ng kuryente.

Share article on: