Maliwanag ang Kinabukasan ng Pinasinayaan ang Mt. Hills Multi-Purpose Hall

PIO Department

2018-6-11

Share article on:

Maulan man at maulap noong Sabado, Hunyo 9, may sumilay namang liwanag sa pamayanan ng Mountain Hills sa Brgy. Fortune.

Sa kabila ng bagyong “Domeng,” masigasig pa ring sinalubong ng mga mamayanan ang mga dumalo sa pasinaya ng bagong multi-purpose hall ng Mountain Hills Homeowners’ Association (HOA) sa pangunguna ni Konsehal Jojo Banzon at Tourism Officer Ponchie Santos

Mula kay Mayor Marcy Teodoro, nagbigay ng isang mensahe si Ponchie, na siyang pinuno ng Marikina City Tourism, Culture and the Arts Office. Si Ponchie ang kumatawan kay Mayor Marcy na hindi nakadalo dahil sa isang mahalagang obligasyon ng araw na iyon.

“Sinasabi ni Mayor Marcy na dapat tayo dito sa Marikina, ituring natin ang isa’t isa bilang pamilya. Dahil kapag tayo ay isang pamilya, nandoon ang malasakit at pagmamahal,” sabi ni Ponchie na malugod na pinalakpakan ng mga taga Mountain Hills na dumulog sa naturang okasyon dala-dala ang mga payong at nakasuot ng jacket pang-ulan.




 



Mistulang Baguio City ang Mountain Hills dahil ito ay nasa mataas na lugar ng  Marikina at medyo malamig dahil sa sama ng panahon.

Binigyan ng atensyon ni Ponchie ang hiling ng mga mamayanan ng Mountain Hills ukol sa kawalan ng poste ng ilaw sa kanila. “Paliliwanagin po natin ang inyong mga kalsada. Gusto po ni Mayor Marcy na ang buong Marikina, kahit ang mga malalayong lugar, ay laging ligtas at may siguridad.”

Nagpasalamat naman ang mga nakatira sa Mountain Hills sa pangunguna ni Roy de Dios, pangulo ng kanilang HOA.


“Sana po ang pasasalamat namin ay makarating kay Mayor, at doon po sa munting kahilingan ng aming samahan, nagpapasalamt rin po kami sa pagdinig dito nila Ponchie Santos at Konsehal Jojo Banzon."

 



Mahalaga ang multi-purpose hall dahil ito ang nagiging sentro ng mga activities ng komunidad at nagiging daan para lalo silang magkaisa. Maaaring ganapin rito ang kanilang pagpupulong at pagdaraos ng mga mahalagang okasyon tulad ng birthday, binyag at maging lamay sa patay.



 





Sa kaniyang mensahe, pinarating rin ni Konsehal Jojo ang pagmamahal ng Ama ng Lungsod sa mga Marikenyo. Binanggit ni Konsehal Jojo ang mga proyekto ni Mayor Marcy na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga Marikenyo tulad ng libreng matrikula sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, pagpapatayo ng mga health centers at multi-purpose halls, pag-aayos ng mga daan at pagpapatayo ng mga paaralan.


(Article written by Celine Natividad)

Share article on: