Marikina Hindi Susukuan ang Paglilinis sa Buong Lungsod

PIO Department

2018-8-23

Share article on:

No retreat, no surrender. Iyan ang battlecry ng mga kawani ng City Hall laban sa mga dumi, kalat at basurang dulot ng nagdaang bagyo.

Ang magigiting na mga kawani ng City Hall, lalo na ang mga empleyado ng CEMO (City Environmental Management Office), ay hindi susuko sa paglilinis ng buong lungsod at sisimutin ang kahuli-hulihang alikabok at lupa maging sa mga nilubog na bangketa.

Katulong ang mga Barangay Volunteers, ang mahigit 3,000 na kawani ng City Hall ay patuloy sa paglilinis ng Marikina upang bumalik sa malinis an estado ang siyudad na sinalanta kamakailan lang ng bagyong si Karding na nagdulot ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Marikina, lalo na iyong malapit sa ilog.







Hindi na bago sa mga taga-City Hall, mga Barangay Volunteers at mga Marikenyo ang magkapit-bisig sa paglilinis ng Marikina. Matatandaang ang mga ito ay matapang na hinarap ang mga dumi, basura at putik na dulot ni bagyong Ondoy noong Setyembre 2009.

Samantala, patuloy din ang City Hall sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong si Karding upang maramdaman ng mga kababayan nating Marikenyo na may “Gobyerno Silang Maaasahan sa Marikina.”


Share article on: