Marikina Magdadagdag ng Budget sa Pagkain at Gamot Para sa mga Hayop sa CVO

PIO Department

2018-7-3

Share article on:

Maglalaan ng karagdagang budget ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina para sa pagkain at gamot ng mga hayop na nasa animal pound ng City Veterinary Office (CVO) alinsunod sa kautusan ni Mayor Marcy Teodoro.

Ito ay para masiguro na mapapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga hayop gaya ng aso at pusa habang nasa animal pound at naghihintay ng mga mag-aadopt sa mga ito.

Pansamantala ring gagawing shelter ng mga hayop ang animal impounding area ng CVO upang masigurong maayos ang kanilang pananatili sa naturang tanggapan.




Samantala, hinikayat naman ng Lokal na Pamahalaan ang mga nais mag-adopt ng mga aso at pusa na nasa pangangalaga ng CVO na pumunta lamang sa tanggapan ng animal impounding area or city pound sa G. Fernando Ave. cor Aquilina St., Brgy. Sto. Nino sa Lungsod ng Marikina.





May babayaran lamang na P75 bilang registration fee ang mga nais mag-adopt ng mga hayop. Ang sisingilin na registration fee ay may kasama ng libreng anti-rabies vaccination.

Para sa mga interesadong mag-adopt ng mga hayop, magdala lamang ng valid ID card na may kalakip na address. Maaari ring mag-adopt ang mga hindi taga-Marikina.

Para sa iba pang mga katanungan, tumawag sa CVO sa numero (02) 475-4719 o kaya ay magsadya sa kanilang tanggapan na nasa ikalawang palapag ng City Engineering Complex na nasa G. Fernando Ave. (katapat ng animal impounding area), Brgy. Sto. Niño. Bukas ang kanilang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.


Share article on: