Marikina Magdadaos ng Mega Job Fair

PIO Department

2019-12-2

Share article on:

Para sa mga Marikenyong naghahanap ng trabaho, ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LRPESO) ay magdadaos ng Mega Job Fair bilang bahagi ng pagdiriwang ng Marikina Cityhood Anniversary.

Ang pagbibigay ng maayos na trabaho para sa mga Marikenyo ang isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Marcy Teodoro. Kaya naman aktibo ang LRPESO na makipag-ugnayan sa iba’t ibang kumpanyang nangangailangan ng mga empleyado.

 

Ang Mega Job Fair ay gaganapin ngayon Miyerkules, Disyembre 4, mula 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa dating badminton area ng Marikina Sports Center, Brgy. Sta. Elena, malapit sa City Hall.



 

Abot hanggang 50 na lokal na kumpanya at sampung overseas recruitment agencies ang makikilahok sa nasabing job fair.

 

Sa mga interesadong aplikante, magdala ng ilang kopya ng inyong updated resume at litrato. Huwag din kalimutan ihanda ang mga karaniwang job requirements, ballpen at iba pang IDs.

 

Ang Mega Job Fair na ito ay proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina.

 

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa tanggapan ng Labor Relations and Public Employment Services Office (LR-PESO) sa telepono 681-9277 o kaya ay bisitahin ang Facebook page nito: https://www.facebook.com/Lrpeso/

Share article on: