Marikina Naghahanda na sa Bagyong Ompong

PIO Department

2018-9-12

Share article on:

Naghahanda na ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pagdating ng bagyong si Ompong na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsbility (PAR) ngayong hapon, Setyembre 12.

Nagpulong kahapon ang mga department heads ng City Hall at mga opisyales ng Department of Education, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Amang Rodriguez Hospital upang pag-usapan ang mga dapat gawin para masiguro ang kaligtasan ng mga mamayan sa sandaling manalasa ang bagyong si Ompong.

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang mga protocols at mga dapat gawin ng bawat department ng City Hall sa pagkikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno sa Marikina tulad ng DepEd, PNP, BFP at Amang Rodriguez Hospital. Napag-usapan din ang mga bagyong sumalanta sa lungsod noong Hulyo at Agusto at kung paaano higit na ma-isasaayos ang pagbibigay ng mga kaukulang serbisyo sa mga mamamayan sa panahon ng mga sakuna at bagyo.

Inataasan naman ni Mayor Marcy Teodoro ang Marikina Rescue 161 na ihanda an ang mga kagamitang kakailanganin, lalo na sa paglikas ng mga mamamayang naninirahan sa mga mababang lugar at malapit sa ilog tulad ng mga bangka at iba pa.

Nais din ni Mayor Marcy na mapabalis ang pagbibigay ng mga pagkain sa mga evacuation centers at kung maari ito ay maipamigay sa tamang oras. Nais ni Mayor na ang pagluluto at pagprepara ng mga pagkain ay gawin na lang sa mga evacuation centers na malayo sa Marikina Sports Center kung saan laging naka-sentro ang pagluluto ng mga pagkain na inihahatid sa mga evacuation centers.

Napag-usapan din ang pagdadagdag ng mga manpower na mag-ma-manage ng mga evacuation centers, pati na rin ng mga duktor at nurses.


Forced Evacuation Mahigpit na Ipatutupad

Para siguruhin ang kaligtasan ng mga mamamayan, mahigpit ding ipapatupad ang forced evacuation sa sandaling umabot sa 18 meters ang tubig sa Marikina River sa pakikipagtulongang ng Rescue 161, mga opisyales ng barangay at ng pulis.

Hihigpitan din ang seguridad sa mga evacuation centers at lalung-lalo na sa mga komunidada upang maiwasan ang mga nakawan sa mga kabahayang iiwanan ng mga lilikas sa mga evacuation centers.

Ang City Veterinary Office naman ay maghahanda ng mga tutuluyan ng mga alagang hayop ng mga lilikas sa mga evacuation centers.



Ayon sa PAGASA, ang bagyong si Ompong ay papasok sa PAR ngayong hapon. Ito ay mananalanta sa Northern Luzon at sa Cagayan-Batanes area sa Sabado, Setyembre 15. Si Ompong ay magpapalala sa habagat at maaring magdala ng light to moderate rains at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Western Visayas at Palawan bukas, Setyembre 13.


Noong nakaraang buwan, umani ng papuri mula sa mga netizens at media outlets ang Marikina City Government dahil sa kahandaan nito sa pagdating ng bagyong si Karding. Pinuri rin ng mga netizens sa social media ang paggamit ng modular tents sa mga evacuation centers para mabigyan ng privacy ang mga lilikas doon lalo na ang mga babae at bata.

Share article on: