Marikina Patuloy sa Paghahanda sa Bagyong si Ompong

PIO Department

2018-9-13

Share article on:

Patuloy ang paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro sa maaring pagsalanta sa lungsod ng bagyong si Ompong na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kahapon ng hapon.

Personal na pinangasiwaan ni Mayor Marcy ang pagti-trim ng mga punong nakasabit sa mga kable ng kuryente. Nais ni Mayor na maayos ang pagtabas ng mga sanga at dahon ng mga puno upang maging mayabong at tama ang pagtubo ng mga sanga nito.








Ang mga paghahandang ito ay bahagi ng layunin ni Mayor Marcy na maging isang Disaster Resilient Community ang Lungsod ng Marikina.


Noong Martes ay nagkakaroon ng pagpupulong ang mga department heads ng City Hall at ang mga opisyales ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa Marikina tulad ng Department of Education, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at Amang Rodriguez Hospital at kanilang pinagplanohang mabuti kung paano mas magiging mabilis at epektibo ang pagdadala ng mga tulong at serbisyo sa mga mamamayan sa panahon ng sakuna





Hindi lamang sa paghahanda magaling at hands-on si Mayor Marcy dahil nitong mga nakaraang bagyo katulad ng tropical storm na si "Karding" na nagpataas ng tubig sa Marikina River ng lagpas sa 20 meters, wala halos pahinga si Mayor sa pagtatrabaho upang masigurong ligtas ang mga mamamayan.


Mula sa pag-inspeksyon sa taas ng tubig sa ilog, pamumuno sa Marikina Rescue 161, pagdalaw sa mga evacuation centers at pag-asikaso sa mga kababayang nasalanta ng bagyo, parang superhero si Mayor Marcy sa pagsisilbi bilang Ama ng Lungsod.


Kaya naman sa mga social media, puring-puri si Mayor at malaki ang pasasalamat sa kaniya ng mga netizens, lalo na ng mga Marikenyo.




Samantala, nakabantay 24/7 ang Marikina City Rescue 161 at walang humpay na nagbibigay ng pinakabagong updates tungkol sa bagyong si Ompong. Maliban sa bagyo, binabantayan rin nila ang mga kaganapan sa buong Lungsod ng Marikina para mapanatiling ligtas ang bayan at mga mamamayan anumang oras, may sakuna man o wala.


Para sa anumang emergency, tumawag lamang sa mga numerong ito:




Share article on: