Marikina River Agad na Nilinis ng mga Kawani ng City Hall

PIO Department

2018-7-18

Share article on:

Agad na nilinis ng mga kawani ng City Hall ang Marikina River kahit medyo mataas pa ang tubig sa naturang ilog, pagpapatunay lamang na sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro, sa lahat ng oras ay may gobyernong maasahan ang mga Marikenyo.

Ang sipag at tiyaga ng mga kawani ng City Hall ang nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga Marikenyo na tumayo, kumilos at ibalik sa normal ang kanilang mga buhay bilang isang pamayanan matapos ang kalamidad.


Katulad ng Marikina River, na ilang bagyo na ang pinagdaanan, muling bumabangon ang mga Marikenyo. Sa katunayan, ang ilog ng Marikina ang sumisimbolo sa kanila. Ang pagtaas ng tubig nitoy ay sumisimbolo sa mga problema at pagsubok na kinakaharap ng mga mamayan. At sa huli, huhupa rin ang tubig nito katulad ng paghupa ng mga suliranin sa buhay.


Ayon nga kay Mayor Marcy, walang problemang hindi kayang mabigyan ng solusyon basta’t lahat ay nagtutulungan.


Samantala, pinauwi na ang karamihan sa mga nagsilikas sa mga evacuation centers. Bandang 3:10 ngayong hapon ay 26 na pamilya na lamang at 117 katao ang nasa mga evacuation centers. Dalawa na rin lang ang evacuation centers na bukas mula pito kahapon. Umabot sa 218 na pamilya at 1,181 katao ang pansamantalang nanuluyan sa mga evacuation centers kagabi matapos umakyat ang tubig sa Marikina River sa 16.7 meters dahil sa walang humpay na pag-ulan.

Pinauwi na ang mga nasa evacuation centers dahil wala ng threat ng baha sa mga lugar kung saan sila nakatira. 

 

Share article on: