Marikina Tuloy sa Paggawa ng Iba’t Ibang Community Services sa Lungsod

PIO Department

2019-9-12

Share article on:

Matapos ang sunod-sunod na pag-ulan sa Metro Manila, ang mga tauhan ng City Hall ay agad na pinagpatuloy ang pagsagawa ng iba’t ibang public o community services sa lungsod.


Bilang alinsunod sa mandato ni Mayor Marcy Teodoro na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa buong lungsod ng Marikina, ang Parks and Development Office (PDO) ay nagsagawa ng iba’t ibang community works sa ilang lugar at pribadong subdivision sa Marikina.


Sa pag-uumpisa ng buwan ng Setyembre, matiyagang pinanatili, nilinis, pininturahan, at nagtanim ng mga puno ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina.


Nagsagawa ng clearing operations ang PDO sa Liwasang Kalayaan Parks sa Brgy. Marikina Heights at sa Bernardo Circle Park Parkland sa Brgy. Malanday.


Bukod naman sa clearing operations, nagsagawa rin ng grass cutting sa St. Benedict at Greenland Phase 2 parks sa Brgy. Nangka, kahabaan ng Gil Fernando Access Road, sa paligid ng Marikina Hotel and Convention Center, Uranus St. sa Meteor Homes sa Brgy. Fortune, Rancho 4 West Park, Sto. Niño at Ateneo Housing parks sa Brgy. Barangka at Greenheights Phase 2 at center island sa Marcos Highway. Pati rin ang labas ng simbahan sa Midtown 1 Subdivision at Vista Valley Executive Village.






Kasama naman ang paghatak ng mga nagbasakang mga dahon, sanga at tolda sa Starlight St. sa kanto ng Waco St. ng Rancho Estate 3.


Kabilang sa mga ginupitan ng mga sanga at dahon ay ang mga puno’t halaman sa tabing daan sa Malaya St. sa Brgy. Malanday.








Nagkaroon naman ng Tree Growing Program sa Malanday Elementary School kung saan nagtanim ng dalawang fire tree o tinatawag din caballero o flame tree sa labas ng paaralan.




Pininturahan naman muli ang mga play equipment at mga upuan sa Balubad Phase 2 Nangka park, Evolution park sa Marikina Heights at Bernardo Circle park sa loob ng Parkland Estates Subdivision.










Patuloy naman na pinanatili ang kalinisan ng mga parke sa lugar ng Brgy. Nangka, Parang at Marikina Heights sa pamamagitan ng pagwawalis sa kapaligaran nito.






Nagsagawa rin ng soil levelling sa bakanteng lote sa may Mt. Holy St sa Brgy. Sta. Elena at Divina Gracia St. sa Brgy. Nangka. Pagsasaayos naman ang ginawa ng mga tauhan ng City sa Champagnat St. sa kanto ng Narra St. sa Brgy. Marikina Heights.




Naglagay naman ng mga laryo sa Kalumpang Ground Golf Course.



Ang mga gawaing tulad ng pagpuputol ng mga sanga at dahon ng mga halaman, pagtatanim ng mga bagong puno, at iba pang pagsasaayos sa kapaligaran ay regular na ginagawa upang maiwasan ang mga aksidente lalo na kung may malakas na bagyo, at upang hindi na makahambalang ang mga ito sa mga daanan o linya ng kuryente na maaring pagsimulan ng disgrasya.

Sa mga Marikenyong may ipapaputol na mga puno na malapit ng mabuwal, ipapa-trim na mga halaman at puno na nakakasagabal sa linya ng kuryente, o kahit ano pang paghahakot ng mga kagamitang nakaharang sa kalsada, tumawag lamang sa Parks and Development Office sa numero bilang (02) 948-1204 hanggang 05 o magbigay ng message sa Facebook page ng Marikina PIO -- https://www.facebook.com/MarikinaPIO/


Share article on: