Marikina Umani ng Papuri sa Malinis na Halalan

PIO Department

2019-5-14

Share article on:

Tumanggap ng papuri mula sa mga netizens ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa pagtatapos ng nasyonal at lokal eleksyon ngayon taon.


Naglabasan sa social media ang mga litrato na nagpapakita sa malinis at maayos na eleksyon na ginanap sa lungsod, Lunes, Mayo 13.


Ipinapakita lamang nito ang disiplina at pagiging masunurin sa mga alintuntunin sa lungsod ng mga Marikenyo.


Walang kalat o bakas ng mga sample ballots at election paraphernalia ang makikita sa labas ng mga voting precincts.





Buong araw din nakaantabay ang lokal na kapulisan ng Marikina para siguraduhin na maayos at ligtas ang botohan sa iba’t ibang pampublikong paaralan.




Samantala, maaga namang pinagtulungan na linisin ng mga tauhan ng City Hall ang mga tarpaulin at posters na ikinabit noong panahon ng kampanya.





Ito ay upang muling ibalik ang maaliwalas, malinis at maayos na mga lansangan sa Marikina.


Mariing pinapatupad ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng buong lungsod.

Share article on: