Mas Malaking Health Center Itinatayo sa IVC

PIO Department

2018-7-27

Share article on:

Isa sa mga isinusulong ni Mayor Marcy Teodoro ay ang mas maayos na sistema para lalong mapangalagaan ang kalusugan ng mga Marikenyo. Kalakip nito ay ang kaniyang layuning mabigyan ng magandang pundasyon sa edukasyon ang mga mamamayan mula sa kanilang pagkabata.

Alinsunod dito, nagpapatayo ang Lokal na Pamahalaan ng Health Center at Day Care Center sa Olandes, Brgy. Industrial Valley Complex o mas kilala sa tawag na IVC.

Ang proyektong ito ay ginagawa dahil prayoridad ng Lokal na Pamahalaan ang kalusugan ng mga taga Olandes, kaya naman mas malaki at maaliwalas ang itinatayong health center.

Kasama sa tinatayong health center ay ang day care center na siyang kakalinga sa early childhood care and development ng mga batang nakatira sa IVC.


Ang pagpapatayo ng bagong health center ay nagbigay daan sa ginagawang IVC National High School, kung saan nakatayo ang dating IVC health center.

Matatandaang sa kaniyang mga maiksing talumpati tuwing may bubuksang bagong health center sa mga komunidad ng Marikina, laging sinasabi ni Mayor Marcy ang kaniyang adhikaing magpatayo ng mas malaki, mas maayos na mga health center na kumpleto sa kagamitan at may sariling pharmacy.


Share article on: