Mas Pinaganda at Modernong Freedom Park, Bukas Na

PIO Department

2018-7-31

Share article on:

Bilang hudyat ng muling pagbubukas ng Freedom Park matapos ang ilang buwang pag-aayos nito, dito idinaos kahapon, Lunes, ang Flag Raising Ceremony ng mga opisyales at kawani ng City Hall sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro.

Ang mas maganda at modernong Freedom Park ay nilagyan ng environment friendly bricks na bahagi ng proyektong broomite flooring sa paligid ng sidewalk ng Marikina Sports Center. Kabilang sa world class na disenyo nito ay ang mga sheds at upuan na maaliwalas sa pakiramdam at paningin.

“Dito nabubuo ang komunidad. Maigagala mo ang anak mo nang hindi mo na kailangang gumastos,” wika ni Mayor Marcy sa isang maiksing talumpati sa pagbubukas ng parke. “Napansin nating dito nagtitipon-tipon ang ating mga kababayan, karamihan ay mga estudyante. Dito nagkikita ang ating mga kababayan para mag-usap, mag-relax. Dito sa mga parke na ito nagsisimula ang komunidad.”


Sinimulang ayusin ang parke at ang katabing kalye nito noong Enero sa taong kasalukuyan. Ito ang unang pagkakataon na inayos at pinaganda ang parke sa loog ng 25 na taon. Kabilang sa ginawa sa Freedom ay ang roadside and drainage improvement para maiwasan ang pagbaha at ang pagpapalit ng concrete blocks sa mas makulay at may disenyong kalsada na tinawag na stampcrete o stamped concrete.

Pasalamat kay Mayor

Hangang-hanga at tuwang-tuwa naman ang mga Marikenyo na karamihan ay mga estudyante na nasa Freedom Park kahapon sa makabagong hitsura nito. Lubos din nilang pinasalamatan si Mayor Marcy sa pagsusulong ng mga proyektong may pakinabang ang mga mamamayan.

“Maganda, makulay at maganda ang idea,” ayon kay Maria Bernadette Ejara, 4th year college student sa Marikina Poytechnic College na malapit lang sa Freedom Park.

“Mas maayos kaysa sa dati. Maayos ang upuan at makulay ang semento,” sabi naman ni Daniella Palisoc, Grade 7 student sa Sta. Elena High School.

“Maganda! Yung design mas maganda, mas maaliwalas. Salamat kay Mayor Marcy!” ayon naman kay Steven Exconde, Grade 9 student sa Sta. Elena High School.


Dagdag naman ni Axle Guevarra, Grade 7 student sa Sta. Elena High School: “Maganda, useful, magagamit pang practice (ng mga event sa school) at sariwa ang hangin.”

“Maaliwalas, malapit sa sakayan, tahimik at di masiyadong mainit. Ang daming napaganda ni Mayor sa Marikina. Thank you!” sabi ni Racel Suyat, Grade 7 student sa Sta. Elena High School.


Maging ang isang hindi taga Marikina ay na-in-love sa bagong gawang parke. Ayon sa businesswoman na si Maria Estrella Lapuz, 28, at residente ng Cubao: “Maganda, maaliwalas, natural, nakakarelax sa mga stressed. Maamo sa mata, malinis at hindi tulad ng (ibang) park na kapag maraming tao ay nakakapagod.”

Memorial Marker

Samantala, sa mga nagtataka kung nasaan na ang memorial marker, narito ang sagot ni Mayor Marcy.  Ayon kay Mayor, nililinis at nire-refurbish lang ito upang mas maging maganda at kaiga-igaya sa paningin.


Kaya dapat na abangan din ang pagbabalik ng mas pinagandang “Defenders of Bataan and Corregidor” memorial marker na ititirik sa tabi ng Freedom Park.

Ang Freedom Park na nasa harap mismo ng Marikina City Hall ay itinayo bilang paggunita at pagbibigay pugay sa mga bayani at beterano ng World War II na lumaban sa Japanese army sa Bataan at Corregidor. Dito rin dinadaos ang Flag Raising Ceremony ng City Hall tuwing Lunes ng umaga.


Share article on: