May Modular Tents ng Gagamitin sa mga Evacuation Centers

PIO Department

2018-8-6

Share article on:

Para mas maayos at may privacy ang mga Marikenyos na lilikas sa mga evacuation centers tuwing may sakuna, may alay na modular tents si Mayor Marcy Teodoro sa kanila.

Ang mga modular tents na nasa pangangalaga ng Rescue 161 ay gagamitin sa Bulelak Gym at mga paaralang gagamiting evacuation centers ng mga Marikenyong kailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan sa panahon ng bagyo, baha at iba pang mga kadahilanan. Kasya hanggang pito katao sa bawat tent.

Napagpasyahan ni Mayor Marcy na magkaroon ng mga tents sa mga evacuation centers para mapangalagaan at maproteksyonan lalo na ang  mga kababaihan at mga bata.


Matatandaang nitong nakaraang mga linggo, daan-daang pamilya at mga mamamayan ang pansamantalang nanuluyan sa iba’t ibang evacuation centers ng tumaas ang tubig sa Marikina River dulot ng walang humpay na pag-ulan dahil sa bagyo at habagat.

Share article on: