Mayor Marcy, Mga Marikenyo Suportado Si Pacquiao Sa Laban Kay Matthysse

PIO Department

2018-7-16

Share article on:

Kasama ang libu-libong mga Pilipino saan mang panig ng Pilipinas at ng mundo, sinuportahan ni Mayor Marcy Teodoro at ng mga Marikenyo ang laban ni Senador Manny Pacquiao laban kay Lucas Matthysse ng Argentina kahapon sa pamamagitan ng panood ng live telecast na dinaos sa tatlong iba’t ibang lugar sa Marikina.

Dinagsa ng mga Marikenyo ang libreng live teleast na ginanap sa Marikina City Hall, Parang Basketball Gymnasium at sa Marikina Heights Gymnasium kahit medyo hindi maganda ang panahon at may manaka-nakang ulan.

Pinuntahan ni Mayor Marcy kasama sina Konsehal Jojo Banzon at Konsehal Manny Sarmiento ang naturang mga lugar para makasama ang mga Marikenyo sa kanilang panood sa laban.


Ang naturang libreng live telecast ay handog ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa mga Marikenyong tagahanga ni Pacquiao na tinaguriang Pambansang Kamao.

Sa naturang laban ay natalo ni Pacquiao si Matthysse sa pamamagitan ng technical knock out sa ikapitong round. Tinanghal si Pacquiao na bagong WBA Regular Welterweight Champion matapos maipanalo ang laban. Ang bagong titulo ang siyang ika-60 na panalo ni Pacquiao sa loob ng 23 taon bilang boksingero.


Ginanap ang laban sa Kuala Lumpur, Malaysia kung saan nanood si Pangulong Rodrido Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad. Nasa Malaysia si Pangulong Duterte para sa isang dialogue kay Prime Minister Mahathir.



Share article on: