Mayor Marcy Nagpapatayo ng Bagong Rescue 161 at DRRMO Headquarters

PIO Department

2018-7-30

Share article on:

Alinsunod sa programa ni Mayor Marcy Teodoro na mas mapangalagaan ang kaligtasan ng mga Marikenyo lalo na kung may mga sakuna, ang kaniyang administrasyon ay nagpapatayo ng bagong headquarters para sa Rescue 161 at opisina ng Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Ang ginagawang gusali ay matatagpuan sa Fortune Ave. sa Brgy. Fortune.

Nagpapagawa ng bagong opisina para sa Rescue 161 at DRRMO dahil noong Bagyong Ondoy na nangyari taong 2009, lumubog ang headquarters nito sa baha at nahirapang makabangon agad ang Command Center. Kaya minabuti ni Mayor Marcy na ilagay ang bagong headquarters nito sa mas mataaas na lugar upang sa mga panahon ng kalamidad, ito ay nasa ligtas at maayos na lugar upang mapabilis ang pagresponde sa mga mamamayan.

Layunin din nitong ilapit sa mga mamayan ng Brgy. Fortune at Parang ang Resecue 161 ambulance, fire at police headquarters. Sa likod ng gusaling ito ng Rescue 161 ay itatayo naman ang bagong Marikina PNP headquarters ng Marikina.


Share article on: