Mayor Marcy Agarang Tumulong sa mga Nasunugan sa Balubad

PIO Department

2018-10-16

by Famela Dahonog

Share article on:

Mabilis na umaksyon si Mayor Marcy Teodoro at ang City Hall upang matulungan ang mga kababayan nating nasunugan sa Balubad, Brgy. Nangka noong Sabado, Oktubre 13.

 

Agad na inihanda ang mga modular tents sa covered court malapit sa Nangka High School upang doon pansamantalang manuluyan ang mga nawalan ng bahay sa sunog. Siniguro rin ng City Hall sa utos ni Mayor na may sapat na supply ng gamot, pagkain at damit ang mga Marikenyong nasunugan.





 

Matatandaang agad na sumaklolo si Mayor Marcy kasama ang mga tauhan ng Rescue 161, mga bumbero at iba pang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina upang mapuksa ang apoy noong Sabado, Oktubre 13, at matulungan ang mga biktima ng sunog.

 

Ilan sa mga mahigpit na ipinagbilin ni Mayor Marcy noong Sabado ay ang tulong pinansiyal, pagbibigay ng mga materyales upang magamit sa muling paggawa ng mga tirahan, mga damit, gamot, gamit sa pagluluto, paglinis sa lugar kung saan nangyari ang sunog na agad namang ginawa ng mga tauhan ng City Hall noong araw ring iyon.

 

Ibinilin din ni Mayor Marcy na tulungan ang mga estudyanteng nasunugan lalo na ang mga pumapasok sa Nangka Elementary School at High School.


Nagbilin din si Mayor na bumili ng bagong fire truck at mga kagamitan para sa Bureau of Fire Protection ng lungsod.

Share article on: