Mayor Marcy at DSWD Namigay ng Tulong sa mga Evacuation Centers

PIO Department

2018-8-13

Share article on:

Namahagi ng mga grocery packs at sleeping mats o banig na magagamit sa pagtulog at kumot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama si Mayor Marcy Teodoro sa mga evacuation centers kahapon.

Kinumusta rin ni Mayor Marcy ang kalagayan ng mga Marikenyong pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa mga paaralan at gyms ng siyudad. Lumikas ang libu-libong mamayan noong Sabado sa mga evacuation centers dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River sa lagpas 20 meters at sa pagbaha sa mga mabababang lugar dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan sanhi ng bagyong Karding na nagpalala sa habagat.


Siniyasat din ni Mayor at ng DSWD maging ang pagluluto ng mga pagkain para sa mga evacuees.


Kasama ni Mayor Marcy na namigay ng 20,000 grocery packs at 670 sleeping mats na may kasamang blanket at malong sina DSWD Acting Secretary Virginia Orogo at Undersecretary Hope Hervilla, mga opisyales ng Pamahalaang Lungsod tulad ni Konsehal Jojo Banzon at iba pang mga kawani ng DSWD at City Hall.



Modular Tents

Samantala, umani ng papuri mula sa mga netizens ang mga bagong modular tents na ginamit sa mga evacuation centers na nagbigay ng privacy sa mga kababayang nasa mga evacuation centers. Marami sa mga netizens ay pinapuri si Mayor Marcy at ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa post ng isang nagngangalang Miriam Santiago Lines na umani ng 2,800 likes, heart, at smiley; 607 shares; at 103 comments bandang 11:00 kagabi.


“Mayor Marcy Teodoro, saludo po kami sa inyo,” sabi ni nitizen Mariko Ramos Fong.

“Ui maayhos ha!!! Dapat nman talaga kasi karamihan dito mga bata at sanggol na pwede makakuha ng sakit. Kudos sa city government ng Marikina! God bless u po!” ayon naman kay Kenneth Alcantara.

“This should be a model for all evacuation centers,” sabi naman ni Jen Lucero.

“Basta walang halong corruption magawa tlaga ng mga Mayors sa nasasakupan nya,” dagdag naman ni Admen Ansing.

“Sana gayahin din yan ng ibat ibang mayors,” sabi ni Monique Natangcop.


Share article on: