Mayor Marcy Binigyan ng Makinang Pantahi Isang Ginang Sa Tumana

PIO Department

2018-2-14

Share article on:

Binigyang katuparan in Mayor Marcy Teodoro ang hiling ni Aling Lorna Lasic, isang manggagawa ng sapatos, na magkaroon ng sariling makinang pantahi upang tumaas ang kanyang produksyon at medyo lumaki ang kita mula sa maliit na negosyo.

Namamasukan is Aling Lorna sa isang pabrika ng sapatos mula pa noong 1986. Noong 2008 ay naisipan nyang pumasok sa negosyong “made to order shoes.” Nag-iikot sya sa mga opisina tulad ng mga bangko at dala-dala ang mga sample ng sapatos upang maghanap ng mga magpapagawa nito sa kanya.

Gamit lamang ang sipag, tyaga at sariling mga kamay ay nakakagawa si Aling Lorna ng 30 pirasong sapatos sa loob ng isang lingo. Kung kailangan ng makina upang tahiiin ang mga gawa nyang sapatos, pinapatahi nya ito sa iba at nababawasan ang kanyang maliit na kita.

Dahil sa wala naman syang pambili ng makinang pantahi ng sapatos, naisipan in Aling Lorna na pumunta sa Facebook page ng Marikita City at humiling na matulungan sana siya ni Mayor Marcy.


Noong Pebrero 13,  bisperas ng Valentine’s Day, punong-puno ng ligaya ang puso ni Aling Lorna ng si Mayor Marcy mismo ang nag-abot ng makina sa kanya sa Kapitan Moy. Pinasundo pa mismo ni Mayor Marcy si Aling Lorna sa kanyang tirahan sa Vergara Street sa Tumana, kung saan sya gumagawa ng sapatos.

Pagkatapos maibigay ang makina ay pinhatid din ni Mayor si Aling Lorna sa kaniyang tirahan dala-dala na ang makinang pantahi.

Ngayong may sarili ng makinang pantahi ng sapatos si Aling Lorna, umaasa syang mati-triple pa ang bilang ng sapatos na kanyang natatapos lingo-linggo mula sa 30 piraso sa kasalukuyan. At dahil hindi na nya kailangan pang magbayad para matahi ng makina ang kanyang mga ginagawang sapatos, inaasahang medyo lalaki na ang kanyang kita.

Isa lamang si Aling Lorna sa patunay na ang puso ni Mayor Marcy ay para sa maliliit nating mga kababayan sa lungsod na ito.

At kahit hindi Valentine's Day ay nakahanda siyang patunayan ito.

Share article on: