Mayor Marcy Hands On sa Pamamahala Para Lalong Maayos ang Marikina

PIO Department

2018-6-20

Share article on:

Muling pinatunayan ni Mayor Marcy Teodoro kung gaano siya kasigasig at ka-hands on sa lahat ng aspeto ng pamamahala sa Marikina.

Noong Lunes, Hunyo 18, ay mahigpit na nagbigay ng instruksyon at tagubilin si Mayor Marcy sa mga kawani ng Electrical Division ng Marikina Engineering Department upang lalong mapaayos ang siyudad, lalo na ang  mga kable ng kuryente. Naganap ang pakikipag-usap ni Mayor sa mga electrician habang abala siya sa pag-iikot sa mga matataas na paaralan (high school) ng lungsod upang mamigay ng libreng notebooks.

“Hindi tayo namumulitika, panahon ito ng pagtrarabaho para sa ikakaayos ng Marikina,” laging bilin ni Mayor Marcy, na halos araw-araw sa nakalipas na dalawang taong panunungkulan ay laging nag-iikot sa Marikina upang masaksihan niya mismo ang kalagayan ng mga Marikenyo at marinig ang kanilang mga problema at pangangailangan.

Sa kalsada na rin mismo o saan mang lugar sa Marikina ipinapatawag ni Mayor ang mga kawani ng City Hall upang doon na kausapin at bigyan ng instruksyon.


Sa pamamagitan nito ay naipapadama ni Mayor Marcy na ang kaniyang pamunuan ay seryoso, determinado at hands on sa lahat ng aspeto ng pamamahala sa Marikina.

Ang pagiging hands on ni Mayor ay makikita sa kaayosan ng lungsod. Hindi lang malinis at walang basura ang mga kalye at eskinita, maging ang mga kable ng kuryente ay pinagtutuonan ng pansin.

Ang Marikina lamang ang tanging lugar sa buong Metro Manila na nagtatali ng mga kable ng Meralco at iba pa upang hindi magulo at maging sanhi ng aksidente. Sinisiguro din ang kaligtasan ng mga Marikenyo kung kaya naman matiyagang pinuputol ang mga nakalawit na kable ng PLDT at iba pang utilities para hindi makasabit.



Share article on: