Mayor Marcy Inaprubahan Amnesty sa Surcharges, Interests ng mga Negosyante

PIO Department

2019-1-17

Share article on:

Ramdam ni Mayor Marcy Teodoro kung paano makipagsapalaran ang mga kababayan nating nagnenegosyo o naghahanapbuhay. Kasama rito ang posibleng pagkalugi sa kanilang pamumuhunan.

Upang matulungan ang mga Marikenyong nalugi ang mga tindahan na makabayad ng kanilang mga utang sa business permits, pinirmahan kahapon, Enero 16, ni Mayor Marcy ang Ordinance No. 002 Series of 2019 matapos ipasa ito ng City Council.


“Hindi ko habol ang kumita ang City Hall sa mga surcharges at interests ng mga nalugi nating kababayan. Ang gusto ko ay matulungan silang makabawi at umayos ang buhay,” ayon kay Mayor Marcy.


Ang Ordinance No. 002 Series of 2019 ay nagbibigay ng amnesty sa mga surcharges at interests ng mga delinquent business taxpayers sa Lungsod ng Marikina.



Share article on: