Mayor Marcy Inaprubahan ang 4 na Linggong Extension ng Renewal ng Business Permits

PIO Department

2019-1-17

Share article on:

Inaprubahan kahapon ni Mayor Marcy Teodoro ang pag-extend ng renewal ng mga business permits sa Lungsod ng Marikina ng apat na linggo.

Pinirmahan kahapon, Enero 16, ni Mayor Marcy ang City Ordinance No. 001 Series of 2019 na nag-e-extend ng deadline para sa renewal ng mga business permits mula Enero 21 hanggang Pebrero 15 sa taong kasalukuyan ng walang kailangang bayarang surcharges at penalties.


Hiniling ni Mayor Marcy sa City Council ng Marikina ang extension ng deadline ng renewal ng business permits dahil sa dami ng business permits registration at renewal na natanggap ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng lungsod.

“Nauunawaan ni Mayor Marcy ang katayuan ng 12,000 na mga negosyante sa Marikina sa dami ng mga dapat nilang ibasta para sa pag-rerenew ng kani-kanilang mga business permits kung kaya pina-extend niya sa City Council ang deadline ng renewal ng business permits,” ayon sa Facebook post ng Marikina Public Information Office (PIO) kahapon.

    




Share article on: