Mayor Marcy Inaprubahan ang Amnesty Para sa Real Property Taxpayers

PIO Department

2019-1-17

Share article on:

Pinirmahan kahapon, Enero 16, ni Mayor Marcy Teodoro ang Ordinance No. 003 Series of 2019 na magbibigay ng amnesty sa pagbabayad ng interest ng delinquent real property taxpayers sa Lungsod ng Marikina.

“Bilang Ama ng Lungsod na ito, responsibilidad kong alamin, makinig, at umaksyon sa bawat karaingan ng taong bayan. Awang-awa ako tuwing nakakausap ko ang ating mga kababayan na may utang sa amelyar,” ayon kay Mayor Marcy.


“Nauunawaan ko ang mga katayuan ng ibang mga senior citizens at mga retired na at iyong pension lang nila ang inaasahang pambili ng mga gamot at pagkain. Tapos eto pa, hindi makahabol sa amelyar dahil sa mga penalties at interest,” dagdag pa ni Mayor Marcy.


“Hindi habol ng City Hall ang mga interest na iyan. Mabayaran lang ang tax due sa City ay OK na iyon,” ayon pa kay Mayor Marcy sa isang Facebook post ng Public Information Office (PIO) kahapon.




Share article on: