Mayor Marcy, Kampeon ng Edukasyon, Namahagi ng mga School Supplies

PIO Department

2018-8-10

Share article on:

Ang edukasyon para sa lahat ng mga Marikenyo ang isa sa mga mahahalagang programa ni Mayor Marcy Teodoro bilang Ama ng Marikina.

Mula ng maupo sya bilang alkalde, isinulong niya ang libreng tuition fee sa mga Marikenyong nag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina at sa Marikina Polytechnic College.

Laging sinasabi ni Mayor sa kaniyang mga pulong kasama ang mga mamamayan na mahalaga ang edukasyon dahil ito ang tulay para sa magandang kinabukasan.

Kahapon, nagtungo si Mayor Marcy kasama ng ilang opisyal ng Pamahalaang Lokal tulad ni Konsehal Jojo Banzon sa Brgy. Industrial Valley Complex o IVC Day Care Center upang mamigay ng mga bags, notebooks at iba pang gamit sa eskwela sa mga estudyante rito.

Ngayong araw ng Biyernes, muling mag-iikot si Mayor sa mga paaralan upang ipagpatuloy ang pamimigay ng mga school supplies.

Share article on: