Mayor Marcy, Mas Gustong Magtrabaho Kaysa Mamulitika

PIO Department

2018-10-12

Share article on:

Mas pinili ni Mayor Marcy Teodoro, ang Ama ng Marikina, na asikasuhin ang mga trabaho para sa lalong ikauunlad ng siyudad kaysa makipag-unahan sa paghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

“Mas uunahin kong tapusin ang aking mga naipangako sa taong bayan noong 2016 kesa unahin ko ang pulitika,” ayon kay Mayor Marcy.

Naging abala ngayong araw si Mayor Marcy sa pagsiyasat sa mga ginagawang proyekto ng Lokal na Pamahalaan sa Changyungco St. kabilang na ang road widening, drainage and roadside improvement at ang paggawa ng loading bay sa gilid ng Marikina Polytechnic College (MPC).





Mula ng maupo si Mayor Marcy bilang alkalde ng Lungsod ng Marikina mahigit dalawang taon na ang nakaraan, inulan na ng mga magaganda proyekto ang Marikina na naglalayong lalong mapabuti ang kalagayan ng mga Marikenyo kabilang na ang:

* Pagbibigay ng libreng tuition sa mga mag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina dahil naniniwala siya na ang edukasyon ang isang paraan para mapabuti ang kinabukasan ng mga kabataan at ng kanilang mga pamilya;

*Pagpapatayo ng mga silid paaralan, mga health centers, multi-purpose halls, mga tulay, kalye, parke, gusali para sa Philippine National Police ng Marikina, at iba pang mga makabuluhang imprastruktura;

Ang pagapapatayo ng mga imprastruktura ay mahalaga dahil bukod sa mapapabuti nito ang kalidad ng pamumuhay sa lungsod, nagbibigay rin ito ng mga trabaho sa mga Marikenyo at kita sa mga negosyante. Makakatulong din ang mga ito upang mahikayat ang mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Marikina.

*Pagpapaayos ng Marikina City Hall, Marikina Sports Center, Teatro Marikina, Kapitan Moy, Shoe Museum at marami pang ibang mahahalagang mga gusali na naging bahagi na ng heritage ng lungsod;


*Pagbibigay ng mga prangkisa sa mga may-ari ng mga traysikel upang sila ay may mapagkakitaang marangal para sa kanilang mga pamilya;


*Pagbibigay ng libreng lisensiya at tax exemption sa mga may-ari ng malilit na sari-sari store at mga karinderya upang madagdagan ng kita ang mga maliliit na mamumuhunan sa lungsod;

*Pagtataguyod sa mga senior citizens katulad ng pagbibigay ng P1,000 na cash gift at groceries tuwing kanilang kaarawan, mga libreng gamot at pagpapatayo ng Office of Senior Citizens’ Affairs o OSCA Pavilion sa Marikina Hotel at pagpapaayos ng OSCA building sa Barangay San Roque;

*Pagpapaluwag at pagpapalalim ng Marikina River at paglalagay ng mga dike upang mabawasan ang pagbaha sa mga komunidad na malapit sa ilog;

*Pagsasaayos ng trapiko sa pamamagitan ng pagpapaluwag ng mga kalye;

Ilan lamang ang mga ito sa mga proyekto at programang itinaguyod at itinataguyod ni Mayor Marcy upang lalong maging mauland at maayos at Lungsod ng Marikina.

Share article on: