Mayor Marcy Mas Pinabilis ang Pagkuha ng Business License at Permits

PIO Department

2018-12-13

Share article on:

Alinsunod sa hangad ni Mayor Marcy Teodoro na mas mapabilis pa ang proseso sa muling pagkuha ng lisensiya at pahintulot sa paghahanapbuhay (business licenses and permits) sa taong 2019, isasama na sa billing/collection ng Lungsod ng Marikina ang barangay clearance fee.

“Dahil dito, hindi na kailangan pang pumunta sa kani-kanilang barangay hall ang mga magre-renew ng kanilang lisensya at pahintulot sa paghahanapbuhay sa taong 2019,” ayon sa tanggapan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Marikina.





Ayon sa BPLO, isinabatas na ang Ordinace No.049, Series of 2018 upang maisama na sa billing/collection ng City Government ng Marikina ang barangay clearance fee.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod din sa Republic Act 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Kung mayroong mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Business Permits and Licensing Office ng Marikina City sa numero (02) 646-2354 o magsadya sa kanilang tanggapan na nasa ground floor ng Marikina City Hall.

Share article on: