Mayor Marcy Muling Namigay ng Electric at Building Permits

PIO Department

2018-5-29

Share article on:

Muling namahagi si Mayor Marcy R. Teodoro kahapon, Mayo 28, ng electrical at building permits sa mga kababayang Marikenyo na nangangailangan ng mga nabanggit na pahintulot upang sila ay makapagpatayo ng bahay at makabitan ng kuryente ng Meralco.

Libre o walang bayad ang pagproseso ng electrical at building permits sa ilalim ng Marikina Community Electrification Project (MCEP) at Marikina Settlement Office (MSO).




Simula ng binuo ni Mayor ang MCEP sa unang taon pa lamang ng kaniyang pagkaloklok bilang Ama ng Lungsod, may mahigit 3,000 residente na ang nabigyan ng permiso upang makabitan ng kuryente. Samantala, may 450 residente naman ang nabigyan ng building permits mula noong Nobyember 2017, kung saan nagsimula ang proyektong pamimigay ng permiso upang magpatayo ng bahay sa lungsod.

Binuo ni Mayor Marcy ang MCEP at inumpisahan ang pamimigay ng building permits sa City Hall upang maging mas maayos at mas mabilis ang mga prosesong ito.

Nagpasya si Mayor Marcy na simulan ang prosesong ito ng pagkakaloob ng electrical permit sa ilalim ng MCEP dahil bago maitayo ang naturang tanggapan ay marami ang nag-a-apply sa Meralco na hindi agad nabibigyang atensyon. Matapos maayos ito ay isinunod na rin ang building permits para isang bigayan na lamang ng mga papeles na ito.

Share article on: