Mayor Marcy Muling Namigay Ng Prangkisa Sa Mga Traysikel Drayber at Operator

PIO Department

2019-3-20

Share article on:

“Ang kagandahan ng programang ito, ay hindi lamang galing sa franchising board, ito ay sa pamamagitan ng ordinansa sa ating lungsod kaya hindi mababawi o mawawala ng basta-basta.”


Ito ang naging tugon ni Mayor Marcy Teodoro kamakailan lamang sa harap ng samahan ng mga traysikel drayber at operators ng Brgy. San Roque na ginanap sa Marikina Hotel noong Marso 11.


Simula ng maupo si Mayor Marcy bilang Ama ng Lungsod ng Marikina, pinursigi niyang mapagkalooban ng sariling prangkisa ang bawat isang traysikel drayber at operators sa lungsod.


Ito ay bahagi ng kanyang programa na tulungan ang bawat traysikel drayber at operators na matugunan ang pangangailangan at itaguyod ang kanilang mga pamilya habang naglilingkod sa kapwa Marikenyo.


Sa pagkakataong ito, muling na namahagi si Mayor Marcy ng mga sertipiko na nagpapatunay na sila ay nagmamay-ari ng prangkisa.


Ang mga prangkisang itong ay may bisa na hanggang tatlong taon.


Patuloy lang ang mga tauhan ng City Hall sa pag proseso ng higit pang mga application para sa prangkisa ng mga traysikel.


Panoorin ang video sa link na ito - https://www.facebook.com/rodeostarpartyneedsrental/videos/2115603941858239/

Share article on: