Mayor Marcy Nag-abot ng Tulong sa mga Kabataang Hirap ang Kalagayan

PIO Department

2018-12-11

Share article on:

Ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro, kasama ang Gender and Development (GAD) Office, ay nagpaabot ng tulong pang-edukasyon para sa mga kabataang kabllang sa Youth in Especially Difficult Circumstances (YEDC).




Ang layunin ng gawaing ito ay upang matulungan ang mga kabataang Marikenyong dumaranas ng pang-aabusong pisikal, sekswal o emosyonal na nangangailangan ng tulong at suporta.

Ang Republic Act No. 7192 o tinatawag na Women in Development and Nation Building Act ay nakatuon sa tiyak na patas at pantay na pagkilala sa karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan.



Ang naturang aktibidad ay bahagi ng 18-day campaign to end violence against women na inilunsad ng Philippine Commission on Women noong Nobyembre 15 kung saan aktibong nakilahok ang lungsod.

Share article on: