Mayor Marcy Nagbigay ng mga Kagamitan sa mga Nasunugan

PIO Department

2018-10-19

Share article on:

Tinutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro na muling makabangon ang mga kababayan nating nasunugan sa Balubad sa Barangay Nangka.

Si Mayor Marcy mismo ang nag-abot ng mga gamit panluto tulad ng mga kaldero, mga damit, school bags at school uniforms sa mga nabiktima ng sunog na pansamantalang nanunuluyan sa covered court malapit sa Nangka High School.

“Ang pag-asa hindi nawawala. Kung magtutulong-tulong tayo, maraming magagawa,” ayon kay Mayor Marcy.




Magbibigay din ang  City Hall ng mga construction materials para may magamit ang mga taga-Balubad sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

Tinulungan din ng mga kawani ng City Hall ang mga residente na linisin ang lugar kung saan naganap ang sunog para mas madaling maipagawa ang mga bahay.


Noong isang araw ay namigay rin si Mayor ng mga gamot, pagkain at iba pa sa mga nasunugan nating mga kababayan. Nilatag din agad ang mga modular tents para magkaroon ng privacy ang mga nasunugan habang pansamantalang nanunuluyan sa covered court.

Matatandaang agad na sumaklolo si Mayor Marcy kasama ang mga tauhan ng Rescue 161, mga bumbero at iba pang kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina upang mapuksa ang apoy noong Sabado, Oktubre 13, at matulungan ang mga biktima ng sunog.

Share article on: