Mayor Marcy Nagbigay Tulong sa mga Kababayang Nasalanta ng Bagyo

PIO Department

2018-7-23

Share article on:

Muling pinatunayan ni Mayor Marcy Teodoro na sa Marikina, may gobyernong maasahan sa lahat ng panahon dahil ang nanunungkulan ay may puso para sa mga mamamayan.

Pinakinggan at tinulungan in Mayor Marcy ang ating mga kababayan kaninang umaga habang pauwi na sila sa kanilang mga bahay matapos manuluyan sa Malanday Elementary School kahapon dahil sa pag-akyat ng tubig sa Marikina River. Naglibot si Mayor sa mga evacuation centers tulad ng sa Malanday Elementary School upang makita kung naging maganda ang lagay ng mga evacuees.

Kabilang sa mga tulong na inabot ng City Hall sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy ay bigas at construction materials para maayos ang kanilang mga bahay na nasira ng bagyo.


Bandang alas 6:00 kagabi, mahigit sa isang libong pamilya at limang libong mamamayan ang pansamantalang lumikas sa mga evacuation centers dahil sa pagbaha dulot ng pag-ulan dala ni bagyong Josie. Sila ay tumuloy sa Tanong High School, Leodegario Victorino Elementary School, Marikina Elementary School, Malanday Elementary School, Bulelak Gym, Concepcion Integrated School, H.H. Bautista Elementary School, Nangka Elementary School.

Sa Malanday Elementary Schoo, mayroong 361 na pamilya at 1,654 katao ang pansamantalang lumikas kahapon.

Isinailalim kahapon sa state of calamity ang Marikina City upang mapabilis ang pag-aabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at mapigil ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pagtatago ng mga ito sa mga pamilihan.


Share article on: