Mayor Marcy Nagpapagawa ng Health and Social Welfare Bldgs sa Concepcion Uno

PIO Department

2018-7-30

Share article on:

Bilang Ama ng Lungsod, pantay-pantay ang pagmamahal ni Mayor Marcy Teodoro sa mga Marikenyo kahit saang distrito pa man sila nakatira.

Dahil dito, nagpapagawa siya ng Marikina Health and Social Welfare Buildings sa J. Molino cor. E. Santos Sts. sa Brgy. Concepcion Uno sa District 2. Ito ay sa harap mismo ng Concepcion Elementary School.

Layunin ng proyektong ito na mailapit ang mga health services sa mga taga District 2 para hindi na sila pumunta pa sa main office ng City Health Office sa Sto. Nino sa District 1 ng lungsod.


Ang ginagawang gusali ay naglalayon ring mas maging komportable ang mga Marikenyong pumupunta sa mga health centers dahil mas malaki ito kesa karaniwang health center na matatagpuan sa mga komunidad.

Ito ay alinsunod sa nais ni Mayor Marcy na magkaroon ng super health centers sa Marikina na may sariling botika upang magbigay ng kumpletong serbisyo para mas mapangalagaan ang kalusugan ng mga Marikenyo.


Share article on: