Mayor Marcy Nagpapagawa ng mga Bagong Access Roads

PIO Department

2018-10-17

by Famela Dahonog

Share article on:

Ang Lokal na Pamahalaan ng Marikina sa pamumuno ni Mayor Marcy Teodoro ay patuloy na gumagawa ng mga access roads para lumuwag ang daloy ng trapiko sa lungsod.

Ilan sa mga ito ay malapit ng matapos at maaari ng daanan tulad ng Bayan access road. Sa pamamagitan ng access road na ito, ang mga motorista ay maaaring dumaan mula sa J.P. Rizal Street sa Barangay Sto. Niño, kakanan sa Sto. Niño Softball Field at diretso sa ilalim ng Marikina Bridge.


Ang Bayan-Bayanan access road  ay maaaring daanan mula Mayor Gil Fernando Avenue at palabas ng Bayan-Bayanan Avenue. Samantala, ang Sta. Teresita access road naman ay magmumula sa J.P. Rizal sa Lamuan, kakanan sa Golden Valley Subdivision at lalabas ng Sta. Teresita Village patungong Daang Bakal.

Patapos na rin ang access road sa A. Bonifacio Street - Tuazon Ville sa Barangay Tañong. Mula Tuazon Ville ang labas ng mga motorista ay sa A. Bonifacio Avenue.

Magpapagawa rin ang Lokal na Pamahalaan ng access road sa Riverbanks na aabot hanggang sa Provident Village.

Share article on: