Mayor Marcy Nagpapagawa ng mga Imprastraktura Para Mapaunlad ang Marikina

PIO Department

2018-7-30

Share article on:

Kagaya ng ipinangako ni Mayor Marcy Teodoro noong manumpa siya sa tungkulin bilang Ama ng Lungsod ng Marikina may dalawang taon na ang nakakaraaan, ginagawa niya ang lahat para lalong mapaganda ang bayang kaniyang kinagisnan.

Nitong mga nakaraaang linggo ay inumpisahan na ang paggawa ng mga imprastruktura tulad ng pagpapaayos ng Marikina Hotel, pagpapaganda ng mga parke tulad ng Freedom Park na malapit na uling buksan, pagpapagawa ng mga sirang kalye,  pagpapagawa ng mga drainage system at flood control facilities para maiwasan ang pagbaha, pagpapatayo ng mga bagong silid paaralan at mas malalaking health centers, at iba pa.

“Mahal ko ang Marikina at gagawin ko ang lahat para maisaayos an gating bayan!” wika ni Mayor Marcy noong Hunyo 30, 2016 ng siya ay manumpa bilang alkalde ng Marikina.

Ang kaigihan kay Mayor Marcy ay pinupuntahan niya mismo ang mga proyektong ito habang ginagawa upang personal na makita ang progreso ng mga ito, kung maayos ba ang paggawa, kung may mga problemang dapat na maresolba sa lalong madaling panahon. Katulad nitong nakaraang buwan ay pinuntahan niya mismo ang Freedom Park upang matiyak na maayos ang paggagawa rito para hindi masayang ang pera ng bayan.


Kabilang sa mga proyektong inumpisahan ng gawin nitong mga nakaraang linggo (at ang iba ay malapit ng matapos) ay ang mga sumusunod:

  • Pagpapatayo ng bagong Rescue 161 Headquarters at Disaster Risk Reduction Management Office sa Fortune Ave., Brgy. Fortune;

  • Pagpapatayo ng Marikina Health and Social Welfare Buildings sa J. Molina cor E. Santos Sts. sa Concepcion Uno sa harap ng Concepcion Elementary School;

  • Pagpapagawa ng bagong police outpost sa Tumana Bridge;

  • Pagpapagawa ng 99 alleys at drainage improvement sa Tumana sa pakikipagtulungan sa Department of Public Works and Highways;

  • Pagpapatayo ng Parkland Subdivision Multi-purpose Gym sa Bernardo Circle Parkland sa Malanday; at




  • Pagpapatayo ng bagong Marikina Trasport Terminal sa Bayan Bayanan Ave. sa Concepcion Uno sa dating 164 Base malapit sa tanggapan ng Meralco.

Ilan lamang ito sa mga proyektong naglalayong gawing mas kaiga-igayang tirhan ang Marikina sa mga mamayan.


Ang pag-aayos ng siyudad ay isang paraan upang lalong maengganyo ang mga mamumuhunan na magtayo ng negosyo sa Marikina upang mabigyan ng trabaho ang mga Marikenyo at mas malaking buwis ang makolekta ng Lokal na Pamahalaan upang mas marami pang proyekto ang magawa at maipatupad.

Mas marami ring turista ang pupunta sa Marikina kung maganda ang kapaligiran nito na lalong magpapalakas sa mga negosyo rito tulad ng mga restaurants, pagawaan ng sapatos at bags, shopping malls, at iba pa.

Share article on: