Mayor Marcy Namahagi ng Tax Exemption Certificate sa mga Maliliit na Negosyante sa Lungsod

PIO Department

2020-2-24

Share article on:

130 na business tax certificates ang personal na binahagi ni Mayor Marcy Teodoro noong isang linggo, Pebrero 20 sa mga maliliit na negosyante sa Marikina.

 

Ilan sa mga negosyanteng nakatanggap ng 100 porsiyentong libre sa pagbayad ng business tax exemption, business permit at iba pang local regulatory fees at charges ay ang mga kwalipikadong may-ari ng sari-sari store at karinderya sa lungsod.

 

 

Ang mga negosyanteng ito ay pasok sa batayang itinakda ng lokal na pamahalaan para sa mga angkop na makatanggap ng business tax exemption certificate. Upang mapabilang ang sinoman may-ari ng maliit na tindahan o karinderya sa lungsod, kinakailangan na sila ay may paunang kapital na hindi hihigit sa 10,000 pesos, may arawang kita na hindi hihigit sa limang daan piso, at walang itinitindang sigarilyo at alak.

 


Ang patuloy na suporta ni Mayor Marcy sa pamamagitan ng pag-abot ng ayuda para sa mga maliliit na negosyante sa Marikina ay bahagi ng programa ng Pamahalaang  Lungsod na makapagbigay ng ginahawa at makatulong sa kanilang paghahanapbuhay. Ang kanilang kita ay hindi na mapupunta lamang o mababawasan sa pagbabayad ng buwis.

 


Para sa mga may katanungan kaugnay sa programang business tax exemption, maaaring tumawag sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa numero 8646-2354 o pumunta sakanilang tanggapan sa City Hall.

Share article on: