Mayor Marcy Namahagi ng Tulong sa mga Binaha sa Malanday

PIO Department

2018-7-24

Share article on:

Namahagi ng tulong pinansiyal kahapon si Mayor Marcy Teodoro sa mga tindero at tindera sa Brgy. Malanday upang matulungan silang makabangon mula sa pagbaha at pag-ulan noong mga nakaraang araw at lingo.

Tinulungan din kahapon in Mayor Marcy ang mga evacuees sa Malanday Elementary School habang papauwi sila sa kani-kanilang bahay. Kabilang sa mga tulong na inabot ng City Hall sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Marcy ay bigas at construction materials para maayos ang kanilang mga bahay na nasira ng bagyo.


Bandang alas 6:00 ng gabi noong Linggo, mahigit sa isang libong pamilya at limang libong mamamayan ang pansamantalang lumikas sa mga evacuation centers dahil sa pagbaha na dulot ng pag-ulan dala ni bagyong Josie. Sila ay tumuloy sa Tanong High School, Leodegario Victorino Elementary School, Marikina Elementary School, Malanday Elementary School, Bulelak Gym, Concepcion Integrated School, H.H. Bautista Elementary School at Nangka Elementary School.

Dahil sa lakas ng ulan at pagtaas ng tubig sa Marikina River, nagdeklara ang Sangguniang Panlungsod  ng state of calamity sa Marikina City para mapabilis ang pamimigay ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo. 

Share article on: